Maraming malalalim na simbolo ang
mayroon sa kultura ng bansang Hapon. Halimbawa nito ay ang paghahalintulad nila
ng buhay ng tao sa isang bulaklak. Isa sa mga simbolo binigyang kahulugan ng
bansang ito ay ang palaka. Pinaniniwalaan na ang palaka ay nakakapagdala ng
swerte and naghahakot ng pera sa isang negosyo. Kaya kung inyong napapansin na
madalas makikita ang simbolo ng palaka sa mga establishimento sa bansang Hapon
dahil na rin sa kanilang paniniwalang ito ang magiging dahilan sa kanilang
pag-angat sa buhay.