IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
- Japan – Land of the Rising Sun
- Korea:
• Hilagang Korea – Hermit Kingdom
• Timog Korea – Land of the Morning Calm
3. China – Sleeping Giant
4. Taiwan – Formosa
5. Mongolia – Land of Genghis Khan
Explanation:
Mga Pagkakakilanlan ng mga Bansang Japan, Korea, China, Taiwan, at Mongolia
Japan
Ang Japan ay tinaguriang “Lang of the Rising Sun” (“Lupain ng Sumisikat na Araw” sa Tagalog). Sa kanilang bansa, ang tawag nila rito ay Nippon o Nihon (ngunit binibigkas nila talaga ito ng Nihon). Ang Ni ay nangangahulugang Araw at ang Hon ay nangangagulugan naman na Pinagmulan o Pinagugatan. “Wa” talaga ang orihinal na pangalan ng Japan na nangangahulugang maliit, dahil sa panahong ito ay sumusunod pa sila sa Tsina. Ngunit nag – ugat ang pagpapangalan na ito dahil kay Prinsipe Shotoku. Si Prinsipe Shotoku ay pumirma sa kanyang sulat sa Emperador ng Tsina ng ganito, “mula sa Anak ng Kalangitan kung saan sumisikat ang araw ay bumabati sa Anak ng Kalangitan kung saan lumulubog ang araw.” Dahil rito ay nainis ang Emperador ng Tsina dahil sa pagtawag nito sa sarili ng kagaya niya. May dalawang kwento kung paano napalitan ng pangalan nila ang bansa nila mula sa “Wa” at naging “Nihon”. Pero isa ang malinaw, ang bansang Japan ang unang nasisikatan ng araw, sumunod ang mga bansang Korea, Tsina, at ang iba pa.
Hilagang Korea
“Hermit Kingdom” ang turing sa Hilagang Korea dahil gaya ng isang hermit (ermitanyo sa Tagalog), ginusto ng bansang ito na mamuhay ng hiwalay sa kung paano mamuhay ang mga taga – ibang bansa. Layunin nito na paunlarin ang kanilang bansa sa paraang gusto nila nang hindi nakikipag – ugnayan sa ibang bansa. Limitado rin ang pagpasok ng media sa loob at labas ng bansa nila upang hindi magkaroon kahit anong impormasyon hangga’t maari ang kanilang bansa sa ibang lugar.
Timog Korea
“Land of the Morning Calm” ang turing sa Timog Korea. Ang Emeperador ng Tsina noong 1934 ay nagbigay sa buong Korea ng titulong “Chaohsien” na nangangahulugang “nakarerepreskong umaga”. Ito ay dahil sa katamtamang temperatura na meron sa bansa na nagbibigay ng kalmadong panahon sa kanila.
China
Ang bansnag Tsina ay tinguriang “The Sleeping Giant”. Nakilala ang bansang Tsina sa ganitong paraan dahil kay Napoleon Bonaparte nang sabihin niya, “Ang Tsina ay isang natutulog na higante. Hayaan mo lang siyang matulog, dahil sa kanyang paggising ay siguradong mayayanig niya ang mundo.”
Taiwan
Tinawag na Formosa ang bansang ito ng mga naglalakbay na Portuguese noong 1542. Tinawag nila ang mga isla ng Taiwan noon na “Ilha Formosa” o “Magandang Isla” dahil sa pagkabighani ng mga manlalakbay sa ganda ng mga isla. Sa ngayon ay tinatawag ang Taiwan na “Republic of Formosa” o ‘di kaya ay “Republic of China in the East”.
Mongolia
“Land of Genghis Khan” (Lupain ni Genghis Khan sa Tagalog) ang bansag sa Mongolia dahil dito nagmula ang dakilang mananakop na si Genghis Khan. Nakilala si Genghis Khan dahil matagumpay ang ginawa niyang pananakop na mula sa Korea hanggang sa bansang Hungary.
Para sa karagdagang impormasyon, i - click lang ang mga link na ito:
- https://brainly.ph/question/1275886
- https://brainly.ph/question/2302923
- https://brainly.ph/question/124220
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.