IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ano ang denotasyon at konotasyon na kahulugan ng umaalulong


Sagot :

Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita o parirala na karaniwang nakikita sa diksiyunaryo samantalang ang konotasyon naman ay ang pansariling kahulugan ng isang tao o interpretasyon ng mga salita o parirala. Ito ay kasalungat ng denotasyon sapagkat ito ay may mas malalim na kahulugan. 
Ang denotasyon ng umaalulong ay ang mahaba, malakas at malungkot na pagkahol ng isang aso. Ang konotasyon naman nito ay hindi maganda sapagkat ibig sabihin ay mayroong kaluluwang ligaw sa paligid o kaya'y mayroong nagbabadyang trahedya.