IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Ano ang kahulugan ng palaka,cherry blossoms,taglagas sa Japan ?

Sagot :

Sa Japan ano ang kahulugan ng palaka,cherry blossoms,taglagas  ?

  • Palaka - Ang palaka sa Japan ay mula sa salitang hapon na "kawazu" na ang ibig sabihin ay ang pagpapahiwatig ng tagsibol.
  • Cherry Blossoms - Ang cherry blossoms ay mahalagang bahagi ng kasaysayan at kultura ng Japan sapagkat noong panahon ng digmaan ay nagsisilbi o sumisimbolo ito ng inspirasyon o pag-asa ng mga sundalong Hapon. Sa tagsibo sa bansang Japan ay maraming mga pagbabagong nararanasan ang mga Hapon sapagkat panahon ito ng pamumukadkad ng mga cherry blossoms o sakura. Nakalagay ang mga cherry blossoms sa mga watawat, eroplano at insignia ng mga Hapon bilang pagkilala nito. Inihalintulad din ito sa samurai at bushi kung kaya't itinuturing itong mahalagang simbolismo ng bansa.
  • Taglagas - Ang taglagas ay panahon ng pagninilaynilay ng mga tao. Ito ay nangyayari bago ang taglamig;ang panahon kung kailan ng pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Sinasabing panahon ang taglagas upang ang mga tao ay magnilaynilay at magbilang ng mga biyayang natanggap ng bawat isa sa buong taon. Ginagawa ang mga ito upang maihanda sarili sa panahon ng taglamig na kung kalian ipinagdiriwang ang pasko, ang panahon ng pagpapasalamat at ang bagong taon, ang panahon ng pagbabago ng mga masamang kaugalian.

Denotasyon:

  1. Ang palaka ay isang hayop na nakatira sa mga sapa o mga ibang  anyong tubig.
  2. Ang sakura o cherry blossoms ay isa sa mga simbolo ng bansang Hapon.
  3. Taglagas-ay ang panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang taglamig.

 

Konotasyon:

  1. Boses palaka- asintonado, kumanta ng wala sa tono.
  2. Cherry blossoms-ang pamumukadkad ng sakura at ang masayang hanami. Isang pangyayari na pinakaaabangan ng lahat. At isang tradisyon na taunang ipinagdiriwang at hinding-hindi pagsasawaan dahil sa kakaibang ganda na hatid nito.
  3. Taglagas- naglaglagan o naglagasan ang buhok.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang mga links sa ibaba:

https://brainly.ph/question/210381

https://brainly.ph/question/207211

https://brainly.ph/question/215484