Ang diskurso ay isang yunit ng linggwistik na binubuo ng iba't ibang salita o argumento. Maaari itong gamitin bilang paraan ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Ang diskurso ay isang sistematikong eksaminasyon o pag-aaral ng mga salita. May dalawang konsepto ang diskurso, ito ay ang tekstwal kompitens o ang pagsulat ng may kohisyon at organisasyon at ang ilukyusyonari kompitens o ang paggamit ng wika sa imahinasyon at manipulasyon. Mayroon ding iba't ibang teorya tungkol sa diskurso katulad na lang ng Speech Act Theory, Communication Accomodation Theory at marami pang iba lalo na sa aspetong pampanitikan.