Answered

Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ano-ano ang mga bansa na ayon sa uri ng behetasyon ng asya



Sagot :

                Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.
              
Sa Hilagang Asya, katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna. Mayroong mga steppe sa Mongolia gayundin sa Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya. Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at Manchuria at maging sa Mongolia matatagpuan ang prairie, ang lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
             Samantala, ang savanna naman na matatagpuan sa Timog Silangang Asya partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
Ang Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
           Sa bahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuan ang tundra o treeless mountain tract. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic Ocean ang saklaw ng behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.