Ang alamat ay isang kwentong bayan na kung saan ipinakikita kung saan nagmula ang isang bagay o pagkain.
Halimbawa nito ay ang alamat ng pinya na kung saan ay sumibol ang pinya dahil sa batang walang ginawa kundi magtanong kung nasaan ang pinahahanap sa kanya.
Ang alamat ay mahalaga sa kasalukuyan sapagkat ito ay nagiging batayan ng mga tao sa kasalukuyan kung saan nagmula ang isang pagkain, lugar at mga bagay dito sa mundo. Alam natin na hindi totoo ang alamat ngunit ginawa lamang ito upang may madagdagan na kaalaman ng mga kabataan sa panahong ito. Ito rin ang nagiging gabay nila upang tuklasin kung saan tlaga nagmula ang isang bagay.