IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Pwede pong paki-explain ng tema ng Buwan ng Wika 2015, "Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran"? Para po mas lalong malinaw ang paggawa ko ng tula, salamat po! :)

Sagot :

         Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat. 
     

           Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997. Sa taong ito, ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay may temang:
Buwan ng Wika 2015: “Wikang Filipino ay Wika ng Pambansang Kaunlaran"

Ang temang ito ay nangangahulugang, ang paggamit ng ating wikang pambansa ay isang malaking bahagi sa bansang kaunlaran. Ito ay dahil, ang wikang pambansa ay nagbigkis sa bawat mamayang Pilipino upang magkaroon ng pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng pagkakaunawaan ay nangangahulugang may pagkakaisa. Sa pagkakaroon ng pagkakaisa, ang kaunlaran ng bayan ay hindi malayong mangayayari.