Ang kaunlarang pangkultura ay isang estado ng isang pook o lugar kung saan naging maayos ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng isang kultura na mula pa sa sinaunang mga ninuno. Ang kaunlarang pangkultura ay maaaring maging daan upang magkaroon ng pangalan at mapuna ang isang lugar o bansa sa mga karatig-lugar nito. Sa ganitong paraan, ay nagiging kapaki-pakinabang ang kaunlarang pangkultura sa aspetong ekonomiya ng bansa dahil ang pagkakaroon nito ng pangalan ay maaaring makakaakit ng mga turista sa bansa na siyang nagpapasok ng kita sa bansa o lugar.