Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Ano nga ba ang tema? Ang tema o paksa ay ang bagay na pinag uusapan o tinatalakay sa isang akda.
Marami ang tema na tinatalakay sa kwento ng Ang Kuba ng Notre Dame ngunit kalimitan sa mga ito ay tungkol sa pag-ibig, ang mga tema sa Ang kuba ng Notre dame ay ang mga sumusunod:
- Ang tema ng Ang Kuba ng notre Dame tinatalakay dito ang Buhay ni Quasimodo ang isang kuba na dahil sa kanyang kapangitan ay binansagang ang Papa Ng Kahangalan. pinapakita na karamihan parin sa mga tao ay tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang tao, nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo ng isang tao hindi iniisip kung masasaktan ba ang taong kanilang kinukutya.
- Tinatalakay din dito ang mabuting ugali ni Quasimodo sa kabila ng kanyang kapangitan at pangungutya ng mga tao ay taglay pa rin niya ang pagiging mapagtiis at marunong tumanaw ng utang na loob ng akuin niya ang kasalanang nagawa ng taong umampon sa kanya.
- Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal ni Quasimodo kay La Esmeralda. Hanggang sa kabilang buhay ay sinahan niya ito.
- Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na si Sister Gudule hindi niya kinaya ang pagkawala ng kanyang anak na babae sapagkat mahal na mahal niya ito, kaya siya ay nasiraan ng bait.
- Ang pagmamahal ng isang kapatid sa kanyang kapatid katulad ni Claude Frollo pinakita niya at ginawa niya ang lahat para sa kanyang kapatid na si Jehan.
Ang Kuba ng Notre dame ay isinulat ni Victor Hugo. Ang mga tauhan sa Kuba ng Notre Dame ay ang mga sumusunod :
- Quasimodo - ang kuba sa kwento na binansagang ang Papa ng Kahangalan
- La Esmeralda- ang babaeng mananayaw ang nag iisang babaeng inibig ni Quasimodo.
- Pierre Gringoire- ang kilalang tauhan na nagpupunyagi na makata at pilosopo
- Claude Frollo- ang paring umampon kay Quasimodo, ang kapatid ni Jehan
- Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris
- Sister Gudule - ang babaeng nawala sa sarili dahil sa pagkawala ng kanyang anak na babae.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Sino ang tauhan sa nobelang ang kuba ng notre dame?https://brainly.ph/question/186331
Tagpuan sa nobelang ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/456996
Suring basa sa ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/423643
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.