IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
PANGHALIP
- Ito ay salitang humahalili sa pangngalan ng tao,bagay, lugar
- Sa Ingles ito ay tinatawag na Pronoun
Mga Uri ng Panghalip
- Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
- Ito ay ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at taong pinag-uusapan.
Halimbawa:
- Siya ay isang masipag na bata.
- Ang bahay na malapit sa kanto ay sa kanila.
- Ang magandang pigurin na iyon ay sa kanya.
- Dinalaw nila sa ospital si Karen.
- Kung papapiliin ako ikaw pa din ang tunay kong kaibigan.
- Pumunta ka sa opisina ng maaga.
- Kinain niya ang tinapay sa mesa.
- Ang mga bagong libro ay para sa inyo.
- Ang aming ama ay nagtrabaho sa pabrika.
- Sila ay nagtungo sa silid aklatan.
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
- Uri ng panghalip na ginagamit na paghalili sa pagtuturo ng tao,hayop,bagay, lugar.
- Malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
- Malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan
- Malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
Halimbawa
- Ito ang aming hardin. Dito kami nagtatanim.
- Iyan pala ang ipinagmamalaki mong proyekto.
- May puting sasakyan na dumating. Iyon ba ang sasakyan natin?
- Dito ka maupo sa tabi ko.
- Bababa na tayo ng kotse. Iwan mo rito ang bag mo.
3. Panghalip Pananong (Interrogative Pronoun)
- Ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay,hayop,tao,lugar.
Halimbawa
- Sinu-sino ang naglaro ng basketball kanina?
- Ilan ang hawak mong ballpen?
- Saan-saan kayo lumibot sa US?
- Kanino ka nagpaalam lumabas ng hating gabi?
- Magkano ang sapatos na iyan?
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
- Isang panghalip na hindi tumutukoy sa sinumang tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, or halaga. Sumasaklaw ito ang kaisahan, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy.
Halimbawa
- Bibilhin natin alinmang gusto mo.
- Lahat ng alaga kong pusa ay mahilig kumain ng tuna.
- Karamihan sa mga bata ay nagdala ng bulaklak at iba pang tanim para sa hardin ng paaralan.
- Kung anuman ang sinabi ni Luisa sa iyo, makinig ka pa rin sa akin.
- Saanman ka man makarating, huwag mong kalimutang magdasal sa Panginoon.
5. Panghalip na Pamanggit (Relative pronoun )
- Panghalip na nagpapakilala sa isang kamag-anak na sugnay
Halimbawa
- Ang babae na nanalo ay sa barangay namin nakatira
- Lahat ng bulaklak ay nalanta sa harden.
Para sa ibang pang impormasyon
brainly.ph/question/445366
10 HALIMBAWA NG PANGHALIP NA PANAO
1. Siya ang may-ari ng sasakyan
2. Ako ang gagawa ng paraan sa ating problema.
3. Dapat ay magtulungan tayo upang maging ligtas.
4.Tayo ang pag-asa ng ating bayan.
5. Ang aso ay kaniya.
6. Hindi kita iiwanan dito sa ilog.
7. Pakibuksan mo ang pinto ng bahay.
8. Kukunin ko ang pera sa kanya.
9. Ako ang pupunta sa Palawan.
10. Nakita kita kahapon sa mall.
panghalip panao
• Ito ay ang mga salitang ipinanghahalili sa ngalan ng tao.
• Ito ay maaaring nasa panauhang: una (taong nagsasalita), ikalawa (taong kinakausap), at ikatlo (taong pinag-uusapan)
• Mayroon din itong kailanan na isahan at dalawahan o maramihan
1. Ako
2. Ko
3. Akin
4. Amin
5. Kami
6. Kayo
7. Atin
8. Inyo
9. Kita
10. Kata
11. Mo
12. Siya
13. Kanila
14. Siya
15. Kaniya
Halimbawa ng Paggamit ng panghalip na panao.
Ano ang mangyayari kung walang panghalip na panao? Sundan ang usapan:
Lina: Si Mayor Dennis Lim na pala ang bagong punong-bayan ng Lungsod ng Maynila.
Mark: OO si Mayor Dennis nga. Si Mayor Dennis din ang pinakamataas sa lahat ng kapulisan sa lungsod.
• Pansinin na paulit-ulit na binanggit ang ngalang Mayor Dennis. Sa halip na sabihin ang pangalan ng punong bayan nang maraming beses ay maaaring gamitin ang panghalip na siya.
Halimbawa ng pangungusap na ginamitan ng panghalip na panao:
Lina: Si Mayor Dennis Lim na pala ang bagong punong-bayan ng Lungsod ng Maynila.
Mark: OO siya nga. Siya din ang pinakamataas sa lahat ng kapulisan sa lungsod.
Kailanan ng Panghalip Panao
Ang panghalip panao ay may kailanan, na tumutukoy sa dami ng pinag-uusapan.
Isahan
• ginagamit kapag ang tinutukoy ay iisang pinag-uusapan
Halimbawa:
• ako
• ko
• akin
• siya
• niya
• kaniya
• Ako ang mag-aalaga ng mga bata habang wala pa ang kanilang mga magulang.
• Siya ang nagging bayani sa nangyaring krimen.
Maramihan
• ginagamit kapag ang tinutukoy ay higit sa isang pinag-uusapan
Halimbawa:
• kayo
• ninyo
• inyo
• sila
• nila
• kanila
• Sila ang mga apektado ng bulking taal.
• Sa inyo lamang ang desisyon kung ano ang gagawin sa problema.
Panauhan ng Panghalip Panao
Ang panauhan ay tumutukoy sa:
• taong nagsasalita (unang panauhan) -- ako, ko, at akin
• kinakausap (ikalawang panauhan) -- inyo, kita, kata,at mo
• pinag-uusapan (ikatlong panauhan) -- siya, kanila, siya,at kaniya
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.