IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ano ang tungkulin mo bilang Anak ng Diyos?
1. Tungkulin ko na mahalin ang Diyos ng higit sa lahat at kahit na sinuman
• Ang Diyos ang ay ang dapat maging pinakamahalaga sa ating buhay. Ngunit paano ba natin masasabi at maipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos?
1. Sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga utos
2. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa aking kapwa ay maipapakita ko din ang aking pagmamahal sa Diyos.
2. Tungkulin ko na alagaan ang mga responsibilidad na ibinigay niya sa akin at hindi ko ito pababayaan.
• Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay pag-aari niya kaya naman bilang tao tungkulin ko na pangalagaan ito upang maging kasiya-siya ito sa kanya.
3. Tungkulin kong isiwalat ang kabutihang kanyang ginawa sa sanlibutan at sa buong sangkatauhan.
• Tutulong ako sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos mula sa bibliya at aking isisiwalat ang mga himala na kanyang ginawa, kung gaano nya tayo kamahal at kung ano ang kanyang mga ginawa sa sanlibutan at ano ang dapat gawin sa buhay.
4. Patuloy ko siyang pupurihin, sasambahin, mamahalin at pasasalamatan sa lahat ng biyayang aking natamo sa buhay. Kabilang dito ang aking buhay, kalakasan, katalinuhan, kalusugan,kaligtasan, pamilya, mga kaibigan, mga kapitbahay at lahat ng may relasyon sa aking buhay.
Related Links:
brainly.ph/question/2214737
brainly.ph/question/577202
Tungkulin mo bilang anak ng Diyos: brainly.ph/question/204181
#BETTERWITHBRAINLY
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.