IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran
Ang interaksyon ng tao sa kapaligiran ay:
- Tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa kanyang kinaroroonan partikular sa pisikal na katangian nito.
- Sumasagot din ito katanungang "Ano ang ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran?".
- Tumutukoy din sa kung paano, umaasa sa kapaligiran ang tao, kung paano nililinang ng tao ang kapaligiran, at kung paano umaangkop sa kapaligiran ang tao.
- Isa rin ito sa limang tema ng pag aaral ng heograpiya (lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw)
Uri ng Interaksyon
- Pagsalalay (Dependence)
- Pag ayon (Adaptation)
- Pagbago (Modification)
Kasalukuyang kalagayan ng ugnayang tao at kapaligiran
Sa kasalukuyan, mapapansin ang hindi na magandang ugnayan ng tao at kapaligiran.
Sa iresponsableng mga gawain ng mga tao ay unti unti ng nasisira ang kapaligiran na nagdudulot ng ibat ibang problema tulad ng polusyon sa hangin, tubig, landslide dahil sa pagputol ng mga kahoy, baha dahil sa mga basurang bumabara at marami pang iba (https://brainly.ph/question/106055).
Maliban sa mga sakunang mga naidudulot, ang pagkasira ng kapaligiran ay nagreresulta din sa kakulangan ng pangunahing pangangailangan tulad ng mga pagkain.
Kaya, upang maagapan ang nasisirang ugnayan ng tao at kapaligiran, ay dapat na kumilos na tayo ngayon habang maaga pa. Baguhin ang dapat baguhin para sa kabutihan ng tao at kapaligiran (https://brainly.ph/question/2515583).
#BetterWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.