Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang "Mensahe ng Butil ng Kape" ay isang parabula. Ang Parabula o talinghaga ay isang uri ng panitikan. Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ito ay maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang aral.
Ang parabulang "Mensahe ng Butil ng Kape ay isang mabisang representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap. Ang butil ng kape ay ang pagiging matatag sa oras ng pagsubok, higit sa lahat ang pagiging malaking bahagi ng pagpapabago sa mga pangyayari sa paligid. Tulad ng pagwawangis ng butil ng kape sa parabula na nakapagpabago sa kumukulong tubig at kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig.
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.