Ang Timog Asya o Katimugang Asya ay ang katimugang rehiyong ng kontinenteng Asya na binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya.
Naghahanggan ang Timog Asya sa:
1. Karagatang Indiyano sa timog
2. at sa kalupaan ng mga rehiyon ng:
2.a. Kanlurang Asya,
2.b. Gitnang Asya
2.c. Silangang Asya
2.d. at Timog-Silangang Asya
Iba-iba ang mga pahayag ng iba't ibang mga sanggunian kung aling mga bansa ang bahagi ng rehiyon.
Ayon sa kaurian ng rehiyong heograpikal ng UN, binubuo ang Katimugang Asya ng mga bansang:
1. Afghanistan
2. Bangladesh
3. Bhutan
4. India
5. Maldives
6. Nepal
7. Pakistan
8. Sri Lanka.