Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
May dalawamput walong titik na bumubuo sa Alpabetong Pilipino. Ito'y binubuo ng mga patinig at katinig. Ang patinig ay binibigkas nang walang paghihigpit sa daanan ng boses. Ang katinig naman ay binibigkas ng may pagsasara sa daanan ng boses. Ang bilang ng patinig ay lima (5) at dalawamput tatlo (23) naman ang bilang ng katinig.
Alpabetong Pilipino
Ang Alpabetong Pilipino ay tumutukoy sa alpabeto ng wikang Filipino. Ang bilang ng titik ng Alpabetong Pilipino noon ay dalawampu (20) lamang. Ito ay tumutukoy sa ABAKADA. Sa makabagong Alpabetong Pilipino ay dalawamput walo na ang titik. Ito ay dahil sinamahan na ito ng mga hiram na letra.
Mga Patinig
May limang patinig sa Alpabetong Pilipino. Ito ay ang mga titik A, E, I, O at U. Kung mapapansin, ang pagbigkas ng mga tunog ng mga ito ay banayad lamang. Walang paghihigpit na nagaganap sa anumang daanan ng boses. Narito ang ilang salita na nagsisimula sa patinig:
- abaniko
- eroplano
- itlog
- orasan
- ubas
Mga Katinig
Ang dalawamput tatlong titik naman na natira sa Alpabetong Pilipino ay katinig. Kasama sa katinig ang mga hiram na letra. Ito ay ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z. Ang ilan pang titik ay B, D, G, H, K, L, M, N, Ng, P, R, S, T, W at Y. Narito ang ilang salita na nagsisimula sa katinig:
- bubong
- daga
- kalabaw
- lapis
- prutas
Karagdagang halimbawa ng salita na nag-uumpisa sa patinig at katinig:
https://brainly.ph/question/860083
#LearnWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!