Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang ibigsabihin ng hue

Sagot :

Ang Hue ay ang tawag para sa mga purong kulay ng spectrum. Karaniwang tinutukoy ng "mga pangalan ng kulay" pula, kahel, dilaw, asul, berde at lila na lumilitaw sa bahaghari. Ang kulay Puti, Itim at Grey ay hindi kailanman tinutukoy bilang isang Hue. Isa din ito sa mga katangian o katawagan sa kulay kasama ng saturasyon at katinkaran.

Ano ang kulay?

Ang kulay ay isa sa katangian ng isang bagay na nakikita ng mata. Ito ay maaaring matingkad o mapusyaw.  

Mga karaniwang kulay

pula , kahel , dilaw , luntian , bughaw , indigo , lila

Iba pang mga kulay

itim , puti , ginto , pilak , tanso , abo , kayumanggi , rosas , kalawang , kastanyo , limbaon

Mga Uri ng Kulay

  • Pangunahing Kulay: pula, dilaw at asul

Nagmumula sa mga ito ang ibang mga kulay, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa sa kanila o ng mismong tatlong ito.

Halimbawa:

Kapag pinaghalo ang kulay pula at kulay asul makakabuo ka ng kulay lila o violet.

Kapag pinaghalo naman ang kulay ng pula at lila makakabuo ka ng pulang lila o redviolet. Maaari ding paghaluhin ang kulay asul at lila para makabuo naman ng asul na lila o blue violet.

Narito pa ang mga ibang kulay na maaaring pagsamahin gamit ang tatlong pangunahing kulay:

dilaw at berde

asul at berde

dilaw at kahel

pula-kahel

  • Magkakatugma, magkakatambal, magkakaparehas o magkakaternong kulay(complementary color):  pula-Lunti, lila-dilaw at bughaw-kahel .

Ang mga kulay na ito ay hindi naglalaban bagkus ay nagtutulungan - lalo na kung magkakatabi - ang mga ito. Kapwa pareho ang lakas o dating nila kapag natingnan ng mga mata.

Kulay bilang mga sagisag

1. Pula- dugo at apoy

2. Asul- kalangitan

3. Berde- dahon at damo

4. Lila- maharlika

5. Itim- kamatayan at kalungkutan

6. Puti- kapurian at kagalakan

May mga bansa na iba ang pag-uugnay nila sa mga kulay na ito. May mga bansang naniniwalang ang puti ay simbolo ng kapighatian.Sa mga Tsino, ang pula ay hudyat ng pagdiriwang at kagalakan at para naman sa mga mamamayan ng Indiya ang pula ay tanda ng kabanalan.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa mga link na ito:

Anong kulay ang nilikha ng complimentary colors: https://brainly.ph/question/1913007

Ano ang mga kulay na analogo at ano ang ibig sabihin nito?: https://brainly.ph/question/174901

#LetsStudy