Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

what is"tambalang salita"

Sagot :

Ang tambalang salita (compound words) binubuo ng dalawang salitang pinagsama para maging iisang salita.

Ito ay may dalawang uri, ang ganap at di-ganap. Ang tambalang salitang nasa ilalim ng di-ganap na uri ay nangangahulugang ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama ay nananatili pa rin ang kahulugan sa bagong salita. Halimbawa nito ay ang sumusunod:

  • asal-hayop

Ang salitang ito ay nangangahulugang ang ugali ng isang tao ay tulad ng hayop.

  • silid-aralan

Ito ay may kahulugang isang silid kung saan ang mga estudyante ay nag-aaral.

Kapag naman ito ay tambalang ganap, ang kahulugan ng bagong salita ay hindi na pinagsamang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Bago na ang kahulugan nito. Halimbawa nito ay ang sumusunod:

  • dalagangbukid

Isang uri ng isda.

  • bahaghari

Rainbow sa wikang Ingles

#AnswerForTrees

#BrainlyBookSmart