Ang mga akdang katulad ng maikling kwento ay nakakatulog sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kultura o paniniwala ng isang lugar sapagkat bitbit ng mga kwentong ito ang mga kultura at paniniwala ng mga tao sa isang lugar. Kadalasan kasi ang mga kultura at paniniwala ng mga tao sa isang lugar ang siyang laman ng mga maiikling kwento dahil dito nila ipinapahayag ang sanhi at bunga ng pagkakaroon ng mga partikular na paniniwala at kultura. Nagsisilbi itong paraan upang maiparating sa ibang tao ang dalawang bersyon ng kwento o ng mga pangyayari.