Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang kabihihasnan ? ? ? ? ?

Sagot :

Nczidn
IMPERYONG MAURYA

Sa ilalim ni Chandragupta at mga kahalili nito, ang panloob at panlabas na kalakalan, mga gawaing agrikultura at ekonomiko ay lahat yumabong at lumawak sa ibayong India dahil sa pagkakalikha ng isa at maiging sistema ng pinansiya, pamamahala at seguridad.

Pagkatapos ng Digmaang Kalinga, ang imperyo ay nakaranas ng kalahating siglongkapayapaan at seguridad sa ilalim ni Ashoka.

Ang Mauryanong India ay nagtamasa rin ng panahon ng pagkakaisang panlipunan, pagbabagong panrelihiyon at paglawak ng mga agham at kaalaman.




IMPERYONG MOGUL

Dinala ng mga Mogul sa India ang Miniature painting, maliit na larangang ipininta na hango sa sining ng Persia

Nakilala rin ang Akbar at ang mga sumunod na haring Mogul ay nakilala sa magagarang palasyo: Moske, Kuta, Libingan na kanilang pinatayo.

Taj Mahal ang pinakakilala sa lahat ng mga gusali. Itinanghal na pinakamaganda ito sa buong daigdig 



IMPERYONG GUPTA

Naganap ang Golden Age.

Umunlad ang agham sa panahong ito, tinalakay ng isang matematiko at astronomo na si Aryabhata ang halaga ng pag-ikot at hugis sphere ng daigdig

Tinantiya ng ibang astronomo ang dyametro ng buwan, nagsulat tungkol sa gravitation, pinaunlad rin ang number symbols, pinag-aralan ang sistemang decimals a at sila ang unang gumamit ng zero,
 nakahanap sila ng mga bagong gamit, ang kanilang patalim ay yari sa asero at sila ang unang gumawa ng mga tulang Calico.

Nakagsagawa sila ng operasyon/surgery.

Kilala rin ang mga Gupta sa pagkukwento. Panchatantra ang pinakilalang aklat ng kwento na binubuo ng 37 kwento. Sa panahong ito, humina ang Buddhism at higit na binigyan ng tulong ng mga Gupta ang mga Brahmin kung kaya’t lumago muli ang Hinduism