Ang
parabulang "Mensahe ng Butil ng Kape ay isang mabisang
representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na pananaw sa
kahirapang kanilang kinakaharap. Ang butil ng kape ay ang pagiging matatag sa
oras ng pagsubok, higit sa lahat ang pagiging malaking bahagi ng
pagpapabago sa mga pangyayari sa paligid. Tulad ng pagwawangis ng butil ng kape
sa parabula na nakapagpabago sa kumukulong tubig at kapuna-puna na sa
tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig.