IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni haring darius the great sa imperyong persian ang_____________________________________________________

Sagot :

Nang manungkulan si Dario sa pagkahari, napaharap siya sa isang imperyong naghihimagsik at ipinapalagay na ginugol niya ang sumunod na dalawang taon sa pagsugpo sa mga elemento ng insureksiyon sa buong kaharian. Ang Ehipto, na naghimagsik laban sa pamatok ng Persia, ay muling nilupig ni Dario noong mga 519-518 B.C.E. Pagkatapos nito, pinalawak niya ang mga hanggahan ng imperyo hanggang sa India sa Silangan at sa Tracia at Macedonia sa Kanluran. 

Napabantog din siya sa kaniyang mahusay na muling pag-oorganisa sa kaayusan ng pangangasiwa sa buong imperyo, sa pagbuo ng kodigo ng batas para sa imperyo, tinawag na Ordinansa ng Mabubuting Tuntunin, at sa muling pagbubukas ng kanal na nagkokonekta sa Ilog Nilo ng Ehipto at sa Dagat na Pula.