Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

halimbawa ng tanaga at haiku tungkol sa panahon ng hapones. =)

Sagot :

Ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una.
Halimbawa ng Haiku:

Puno ay sanga
Bisagra ay talahib,
Kandado’y suso.

Ang tanaga naman  ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod),
binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod), at puno ng talinghaga.

Halimbawa:

SIPAG
Magsikhay nang mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari