Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ANO ANG HALIMBAWA NG TEORYANG POOH POOH

Sagot :

TEORYANG POOH POOH

Ang teoryang ito ay isa sa pinaniniwalaang pinagmulan ng wika; ang tunog na nagmumula sa isang tao dahil sa sobrang saya, lungkot, sarap, hinagpis, at marami pang iba ay pinaniniwalaan na kaunaunahang salita na binigkas ng tao.

Sa teoryang ito ang emosyon ng tao ang pinaniniwalaang nagbibigay ng boses upang ang isang tao ay makapagsalita; isang magandang sitwasyon ay ang kamusmusan ng isang sanggol. Makikita na ang sanngol ay umiiyak dahil nasasaktan, nagugutom o naiinitan dahil sa mga sitwasyong ito napipilitan at natutuhan nitong magsalita na pinaniniwalaan ng teoryang ito na pinagmlan ng wika.

HALIMBAWA NG TEORYANG POOH POOH

  • Ang pagtakbo ng mabilis ay makapagdudulot ng sobrang pagod at hingal; sa pamamagitan ng malakas na hingal ay makabubuo ito ng salita na maaring pinagmulan salita pagod.
  • Sa araw araw na pamumuhay hindi maiiwasan na magkamali; maaring ang pagkakamali ay magbunga ng pagkakadapa o pagkakaipit. At dahil sa sobrang sakit hindi maiiwasan ang pagsigaw na maituturing na halimbawa ng wika.
  • Ang pagkagulat ng isang tao ay maaring mapasigaw at makapagsalita ng wika na pumapatungkol sa kanyang pagkagulat.
  • Ang pagkulo ng tiyan sa sobrang gutom ay maaring makabigkas ng salita na pumapatungkol sa pagkagutom.
  • Ang tao kapagnagagalit ay napapasigaw ito at nakapagwiwika sa taong kinagagalitan nito; ito ay pinaniniwalaan na pinagmulan ng wika.

Ang teoryang ito ay isa lamang sa batayan ng napakarami pang teorya sa pinagmulan ng wika; mahalagang maglaan pa ng maraming oras sa pag-aaral tungkol sa kahalagahan at pinagmulan ng wika batay sa mas kapanipaniwalang pag-aaral.

Para sa karagdagang impormasyon ikaw ay inaanyayahang magtungo sa link na nasa ibaba

https://brainly.ph/question/44449

https://brainly.ph/question/130132

https://brainly.ph/question/1116267

#BetterWithBrainly