Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Balangkas ng mga pangyayari sa cupid at psyche ?


Sagot :

Cupid at Psyche

Isang (Mitolohiya) isang panitikang Miditerranean . Ang kwentong Cupid at Psyche ay isang halimbawa ng mitolohiya ng Roma kung saan binigyang-diin ang mga katangian at ang batas ng mga diyos at diyosa ng Olympus. Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig,  ay  anak ni Venus, diyos ng kagandahan. Siya  ay umibig sa isang mortal na dalaga na may taglay na kagandahan si Psyche.

Balangkas ng mga panyayare sa Cupid at Psyche

1. May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang maganda kaya't nakakalimutan na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng kagandahan na si Venus dahil nandoon na kay Psyche ang kanilang oras. Nagalit si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang.j

2. Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya man ay napaibig din sa ganda ni Psyche ngunit ito ay nanatiling lihim mula sa kanyang ina.

3. Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking umiibig sa kanya kaya humingi siya ng payo kay Apollo at siya'y sinabihan na dalhin si Psyche at damitan ng maganda sa isang bundok.

4. Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niya nakilala ang lalaking magpapaibig sa kanya at nagdala kay Psyche sa palasyo ngunit hindi pa nagpapakita ang lalaki sa kanya.

5. Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya na alamin ang pagkatao ng asawa dahil baka ito ay halimay at sinunod naman ito ni Psyche resulta kung kaya't nasaktan niya si Cupid at umalis.

6. Pumunta si Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuin ito ngunit pinahirapan lamang siya ni Venus at kung anu-anong pagsubok ang binigay.

7. Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agad niya itong tinulungan at hiniling mula kay Jupiter ang ambrosia, isang pagkain upang magiging imortal.

8. Simula sa araw na iyon ay naging imortal na si Psyche at namuhay sila ng maligaya.

Para sa iba pang Impormasyon maari rin magpunta sa;

• Kalakasan ni cupid at psyche https://brainly.ph/question/308734

• Cupid and psyche sparknotes https://brainly.ph/question/987223

• About cupid and psyche https://brainly.ph/question/328638