Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
"Hindi tao, hindi hayop ngunit may dalawang kamay"
Sagot: Orasan
Ang dalawang kamay ng orasan ay ang mahabang kamay na nagsasaad ng minuto at ang maiksing kamay naman ay ang oras.
Bugtong
Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip at iinuturo rin ang mga ito sa klase.
Iba pang Halimbawa ng Bugtong
1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
3. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa
4. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo
5. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
6. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
7. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi
8. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
9. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
11. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
12. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
13. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
Sagot: Singkamas
14. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
16. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paruparo
17. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
18. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
19. Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
20. Ate ko ate mo ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
21. Buto’t balat lumilipad
Sagot: Saranggola
22. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako
Sagot: Langka
23. May puno walang bunga, may dahon walang sanga
Sagot: Sandok
24. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik
Sagot: Mga paa
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:
Mga Katotohanan Tungkol sa Bugtong: brainly.ph/question/1121716
brainly.ph/question/688086
brainly.ph/question/1962746
LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.