IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Ano ang iyong nadama sa kwentong tiyo simon


Sagot :

Answer:

Nang aking mabasa ang kwento ni Tiyo Simon ako ay nangilabot, tila na ang banal na espiritu ay yumakap at nag paramdam sakin. Nakakapangilabot din na may mga taong nawawalan ng pananampalataya sa Dyos dahil sa mga iba’t ibang rason o pagsubok na dumadating sa kanila. Sa murang edad ni Boy maaring hindi nya pa naiintidihan ang kahalagahan ng pagsamba at pananampalataya sa Dyos, kaya napaka importante talaga na nagiging magandang ehemplo tayong mga matatanda sa mga nakababata satin. Hindi din sapat ang pag samba tuwing lingo upang maintindihan nya ang mga nangyayari kailangan din nito ng angkop na paliwanag at pag papakilala kay Hesus. Sa punto nayan si Tiyo Simon ang nakapag paliwanag sa kanya at nakapag paunawa na importante ang Dyos sating buhay.  

Mabuti o masama mahal tayo ng Dyos. Hindi natin magagawa ang mga bagay ng maayos kung wala sya at lalo sa pag harap natin sa hamon ng buhay. Ang ating Panginoon ang nagbibigay ng angkop na karunungan sa atin upang mapagtagumpayan ang mga bagay dito sa mundo. Dahil sa kwentong ito nag patibay lalo sa aking puso’t isipin na walang gagaling pa sa Dyos! Walang mag liligtas at makapag bibigay ng payapang buhay kung hindi sya lamang. Maniwala at manalig lamang tayo sa kanya.