IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang mabuting epekto ng pagsakop ng mga espanyol sa pilipinas

Sagot :

Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya. Ang ilan sa mga mabuting epekto ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang:

  • paglaganap ng Kristiyanismo
  • pagganda ng sistema ng edukasyon
  • pag-usbong ng agham
  • paglaganap ng musika, sayaw, sining
  • pag-usbong ng panitikan

Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga mabuting epekto ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay narito.


I. Kaunting Detalye ukol sa Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol sa loob ng 333 taon.

II. Mga Mabuting Epekto ng Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

Ano ang epekto nito sa mga Pilipino? Narito ang ilan sa mga mabuting epekto ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas:

  • Paglanap ng Kristiyanismo - Ang mga Kastila ang nagpakilala sa mga Pilipino tungkol kay Hesus. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, dumami rin ang mga naitayong mga simbahan sa bansa.
  • Pagganda ng sistema ng edukasyon - Naging pormal ang sistema ng pag-aaral noong panahon ng mga Espanyol. Nagtayo rin ng mga paaralan ang iba't ibang mga misyonero na nagsilbing mga guro noong panahong iyon.
  • Pag-usbong ng agham - Naituro ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang kaalaman tungkol sa mga hayop, halaman at kalendaryong Gregorian.
  • Paglaganap ng musika, sayaw at sining - Naturuan ng mga Espanyol ang mga Pilipino kung paano gumamit ng mga musikal na instrumento. Bukod dito, umusbong din ang pagsayaw at paglikha ng mga akdang sining.
  • Pag-usbong ng panitikan - Dahil sa mga pangyayari noong panahon ng Kastila, naging daan ito upang sumulat ng mga akda ang mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Sa kabila ng kalupitan ng mga Kastila, iyan ang ilan sa mga magandang epekto ng pananakop ng mga Espanyol. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Unang pamayanang Espanyol na itinatag sa bansa: https://brainly.ph/question/859500
  • Pagkakaiba ng Espanyol at Kastila: https://brainly.ph/question/365707
  • Gender roles sa panahon ng mga Espanyol: https://brainly.ph/question/1971776