Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

ano ang nilalaman ng bayani ng bukid at sukat, tugma at talinghaga ng bayani ng bukid

Sagot :

Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay
karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng
bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, o
kaya ay a-b-d-a.
Halimbawa:
Tugmang a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

Talinghaga – Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ang tulang ito ay may ibang damdamin at nag-iiwan ng kakaibang ekspresyon sa mambabasa.



Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.