Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa pilipinas?

Sagot :

Answer:

SISTEMANG PANG EKONOMIYA

Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyon na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at pag-linang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Maroong apat na sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig ito ay ang Tradisyonal na ekonomiya, Market Economy, Command economy at mixed economy.

Alokasyon sa Iba’t-ibang Sistemang Pang-Ekonomiya

1. Tradisyonal na Ekonomiya

2. Market Economy

3. Command Economy

4. Mixed Economy

Tradisyonal na Ekonomiya

• Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot sa pangunahing pangangailangan tulad ng:

1. Damit

2. Pagkain

3. Tirahan

• Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang ang tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan itinuro ng matatanda sa pangkat.

• Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito.  

• Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

2. Market Economy-  

Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan

Ang bawat konsyumer at producer, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makukuha  ng malaking pakinabang

Ang mga nasal lakas-paggawa ay maaring makapamili ng ng kanilang nais na papasukang trabaho.  

Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan

Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipag ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangasiwa ng mga Gawain.

Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami na nais bilihin ng mga mamimili.

Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.

4. Command Economy- Ang ekonomiya ay nasa ilalim at control ng pamahalaan. Ang pag control ay alinsunod sa isang planong nauukol sap ag sulong ng ekonomiya na pinagingisawaan ng sentralisadong Ahensya.

5. Mixed Economy- Ito ay ang isang Sistema na kinapapalooban ng element ng market economy at command economy. Dito ay may malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan at pinahihintulutan ng mga pamahalaan.

ANO ANG SISTEMANG PANG EKONOMIYA ANG UMIIRAL SA PILIPINAS

Ang Sistemang pang ekonomiya sa Pilipinas ay ang market economy, mixed economy at command economy. sapagkat ang Pilipinas ay may malayang pamilihan at ang bawat isa ay kumikilos alinsunod sa sariling interes.Sa mixed economy naman ay hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan ngunit nanghihimasok ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng mga mamimili. Sa command economy naman ang pamahalaan ang  ganap na may kapangyarihan upang makamit  ang mga layuning pang ekonomiya.