IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap.  Ito ay nasa pokus na _______.  
a. tagaganap   
b. layon   
c. pinaglalaanan   
d. sanhi    


Sagot :

Pokus ng Pandiwa:

Sagot:  

b. layon

Paliwanag:

Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kapag ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na ano at nilalagyan ng panlaping in, I, ipa, ma, at an. Ang pokus ay tumutukoy sa ugnayang pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Mga Halimbawa:

  1. Binili ni Rosa ang mga bulaklak ng mapadaan sa dangwa.  
  2. Ang merienda na ito ay niluto ni Annie para sa amin.
  3. Nasira ko ang props para sa dance contest.

Pokus ng Pandiwa: https://brainly.ph/question/53795

Iba Pang Pokus ng Pandiwa:

  • aktor o tagaganap
  • lugar o ganapan
  • benepaktibo o tagatanggap
  • gamit o instrument
  • kusatibo o sanhi
  • direksyon

Ang pandiwa ay nasa pokus sa aktor o tagaganap kapag ang aktor ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na sino at nilalapatan ng mga panlaping mag, um, mang, ma, maka, makapag, maki, at magpa.

Mga Halimbawa:

  1. Naglunsad ng programa ang pamahalaan para sa mga kabataan.
  2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa hapunan.
  3. Bumili si Rosa ng cake para sa kaarawan ng kanyang ina.
  4. Si Miriam ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa lokatibo o ganapan kung ang lugar o ginaganapan ng kilos ang paksa ng pangungusap. Ito ay kadalasang sumasagot sa tanong na saan at  nilalagyan ng mga panlaping pag, an, han, ma, pang, at mapag.

Mga Halimbawa:

  1. Pinagtaniman namin ang likod ng gusali ng paaralan ng maraming gulay.
  2. Pinuntahan ni Roda ang kusina ng bahay para maghanda ng masarap na merienda.
  3. Ang dangwa ang pinagbilhan ni Rosa ng mga bulaklak para sa kaarawan ng ina.
  4. Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tayong gymnasium.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa benepaktibo o tumatanggap kung ang tagatanggap ang paksa ng pangungusap. Ito ay kadalasang sumasagot sa tanong na para kanino at nilalagyan gn panlaping I, in, ipang, at ipag.

Mga Halimbawa:

  1. Kami ay ipinagluto ni ama ng masarap na pagkain.
  2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang ina para sa kaarawan nito.

Ang pandiwa ay nasa pokus na instrumento o gamit kung ang gamit ang paksa ng pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na paano at nilalagyan ng panlaping ipang, at maipang.

Mga Halimbawa:

  1. Ang palayok  ang pinagsaingan ni nanay ng ginataang tulingan para sa aming tanghalian.
  2. Ipinamunas ni Marco ang basahan sa mesa.
  3. Ipinamalo niya ang hawak na tungkod sa mga magnanakaw.

Ang pandiwa ay nasa pokus na kusatibo kung ang sanhi ang paksa ng pangungusap. Ito ay kadalasang sumasagot sa tanong na bakit at nilalagyan ng panlaping I, ika, ikina.

Mga Halimbawa:

  1. Ikinatuwa namin ang pagkanta ng aming bunsong kapatid sa palatuntunan ng paaralan.
  2. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang kapatyid  para sa kanilang ina.
  3. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagdalaw ng kanyang lolo at lola.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa direksiyon kapag ang direksyon ang paksa ng pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na kanino at nilalagyan ng panlaping an, han, in, hin.

Mga Halimbawa:

  1. Sinulatan niya ang kanyang mga kaibigan
  2. Pinuntahan ni Arman ang tindahan para mamili ng kagamitan.

Mga Pokus ng Pandiwa: https://brainly.ph/question/987800

Halimbawa ng Pokus ng Pandiwa: https://brainly.ph/question/981329

Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.