IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

essay sa timbang iwasto,sa tamang nutrisyon at ehersisyo

Sagot :

Sa panahon ngayon kung kailan mahirap at mahal ang magkasakit, bilang isang responsablen mamamayan nararapat na pagtuunan natin ng pansin ang ating kalusugan. Kadalasan, ang timbang ng isang tao ay isang malinaw na indikasyon sa estado ng kalusugan ng isang tao. Kapag labis o kulang naman ang timbang, ito ay makakapagsabi na may hindi tama sa iyong kalusugan. Maaaring may mga nutrisyon na kulang o sobra na kailangan ng katawan. Ang pagkakaroon ng wastong timbang batay sa edad at laki ay malinaw na senyales na maganda ang kalagayan ng kalusugan. Ang wastong timbang ay makukuha kapag kumakain tayo ng tamang uri ng pagkain na may sapat na sustansiya at sinasabayan ng tama at regular na ehersisyo. Ang sapat na dami ng nutrisyon na nakukuha at regular na ehersisyo ay isang magandang kombinasyon upang mapanatiling wasto ang timbang ng isang tao.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.