IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Ang Imperyong Maurya ay pinamunuan ni Chandragupta Maurya na
siyang sumakop sa kaharian ng Magadha noon. Kabilang sa nasasakupan nito ang
imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan. Si Asoka
(269-232 B.C.E.) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa
mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig.
Ang Imperyong Mogul ay itinatag ni Babur ng masakop nito ang hilagang India at Delhi. Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan noong nasa ilalim sila sa pamamahala ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605 ngunit humina ito pagdating ng mga Ingles sa India.Si Akbar ang nagpapatupad ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa.
Ang Imperyong Gupta ay itinatag ni Chandragupta I ngunit bumagsak ito sa mga kamay ng mga White Hun. Pataliputra ang kabisera ng imperyo. Naging epektibo ang pangangasiwa ng namumuno dito kung kaya't yumabong ang panitikan, sining, at agham dito. Umunlad din ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya (surgery) sa panahong ito.
Para sa mas detalyadong datos, tingnan ang nakalakip na dokumento.

Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.