Ang mga pangunahing tauhan sa epikong pinamagatang "Ibalon" ay sina Baltog, Handyong, Oryol, Cuinantong, at Bantong. Si Baltog ang sinasabing kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan galing Botavara. Dahil sa husay at pambihirang lakas ay naging pinuno ng lugar si Baltog. Si Handyong naman ay isang dayo sa Kabikulan na siyang nagligtas sa mga tao mula sa dambuhalang mga nilalang kaya't naging bayani din siya ng epiko. Si Oryol ay isang ahas na nagbabago ang anyo at naging isang kaakit-akit na boses at tinig sirena na nagbalak linlangin si Handyong. Si Cuinantong ay ang nakaimbento ng bangka sa kwento samantalang si Bantong naman na kaibigan ni Handyong na siyang nagligtas sa bayan sa bagsik ng halimaw na si Rabut.