Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang tatlong mahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga aryan

Sagot :

Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga mahahalagang bagay tungkol sa pamumuhay ng mga Aryan:


Pamahalaan

 Nahahati sa mga pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan.
Pinamumunuan ito ng rajh na nagmamana ng katungkulan at may katulong na lupon ng tagapayo na binubuo ng mga pinuno ng tahanan.

Lipunan at Kultura
 Tinawag na Panahong Vedic dahil ditto isinulat ang mga Veda o ang apat na
aklat ng karunungan. Ito ay kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal na panrelihiyon, at mga kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay tungkol sa kalikasan; ang Sama Veda naman ay tingkol sa mga ritwal; habang ang Veda ay naglalaman ng mga sinaunang seremonya. Ang Athava Veda ay tungkol naman sa kultura at mga tradisyon ng mga Aryan. Ang Upanishad naman ay nagsasaad ng mga pangunahing paniniwala ng Hinduismo tulad ng reinkarnasyon.

 Sa ilalim ng sistemang caste, inuri ang mga Brahman na binubuo ng mga pari na nagsisilbing guro; ang mga Kshatriya o ang mga maharlika at mandirigma; ang  mga Vaisya o mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal, magpapastol, at magsasaka; at ang mga Sudra na mga manggagawa at alipin. Sa labas ng sistema matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga mamamayang hindi Aryan na karaniwang mahihirap at gumaganap ng mababang uri ng trabaho.
 
Sumasamba sa maraming diyos sa kalikasan tulad nina Indra, ang diyos ng bagyo at Agni, ang diyos ng apoy. Sa pagsambang ito nagmula ang relihiyong Hinduismo, ang pangunahing relihiyon sa India ngayon at isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang Budismo, na pinasimulan ni Gautama Buddha noong 600 B.C., ay isa ring mahalagang relihiyon sa India na kumalat sa iba pang lupain sa Asya.

Walang kalayaan ang babaing Indian sa panahong ito, ngunit mayroon silang
karapatang magmay-ari ng negosyo at kasangkapan tulad ng alahas na maaaring ipamana sa kanilang mga anak. Ang mga biyuda ay hindi na maaari pang mag-asawa at dapat mamauhay nang simple hanggang sa kanyang kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at sumasama sa libing ng asawa na tinatawag na suttee.

Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral. Ipinapakabisa sa
mga mag-aaral ang mga Veda.
 Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring maparusahan ng kamatayan.
Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas manood at makilahok sa karera ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal.

Ekonomiya
  Pagpapastol at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan. Nagtanim sila ng barley at trigo.
Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan. Ang pangunahing hanapbuhay noon ay pagkakarpintero, paghahabi, pagkukulti ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya ng araro at asarol.