IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Anu-anong mga produkto any makukuha sa yamang gubat?

Sagot :

Answer:

Mga Produktong Makukuha sa Yamang Gubat

Ang mga likas na yaman ay mga bagay na nakukuha natin mula sa ating kalikasan. Isa na nga sa mga likas na yaman ng bansa ay ang yamang gubat.

Ang yamang gubat ay binubuo ng iba't ibang uri ng punongkahoy, mga halaman, mga minahan, mga puno at mga hayop.

Marami tayong nakukuha mula dito. Narito ang ilang produkto na makukuha sa yamang gubat:

  • Goma
  • Papel
  • Tissue paper
  • Tabla
  • Kahoy para gawing muwebles
  • Mga herbal na gamot
  • Produktong handicraft
  • Troso
  • Ratan
  • Uling
  • Nipa
  • Kawayan
  • Dagta o Resina
  • Balat ng kahoy na pangulti (tambark)

Pangangalaga sa Kagubatan

Dahil nga sa madami tayong pakinabang na nakukuha mula sa kagubatan ay importante na alam din nating kung paano pangalagaan ang mga ito.

Narito ang ilang paraan kung paano tayo makakatulong sa kagubatan:

1. Magtanim ng maraming puno at alagaan ito.

2. Dapat pag-ibayuhin ang pagtatanim ng mga puno sa ating kagubatan at kapaligiran.

3. Dapat magkaroon ng political will ang pamahalaan upang ipatupad ang Total Log Ban.

4. Pagtatag ng mga "greenhouse" at "model farms" para sa pagpaparami ng mga puno at halamang gubat.

Iba Pang Likas na Yaman ng Bansa

Bukod sa yamang gubat ay may iba pang likas na yaman ang bansa:

  • Yamang Lupa

  • Yamang Tubig

  • Yamang Mineral

Para sa mga uri ng yamang tubig at yamang lupa, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/82486

Para sa halimbawa ng yamang mineral, bisitahin ang link:

https://brainly.ph/question/420581

#LetsStudy

Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.