IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Maraming magagandang naidulot sa buhay
ng mga taga-Ehipto ang Ilog Nile. . Sinabi ni Herodotus na lahat ng Ehipto ay
handog ng Nile. Walang Ehipto kung walang Nile. Ang Ehipto ay umunlad bilang
isang lupain sa tulong ng Ilog Nile. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa
ang mga taga-Ehipto na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang
mahalagang aspeto ng Ilog Nile.
Ang mga paraon sa iba’t ibang kaharian ng sibilisasyong Ehipsyano
ay maraming naiambag sa makabagong panahon sa larangan ng pulitika, ekonomiya,
arkitektura, at relihiyon. Kabilang na dito ang ang hiroglipiko o paraan ng
pagsusulat, pag-eembalsamo ng mga pumanaw, paniniwala sa kabilang-buhay, at ang
kahanga-hangang piramide. Ang kabihasnan ng Ehipto ay may malaking bahagi ng
kasaysayan ng mundo.
Ang Mesopotamia naman ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnayugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.

Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.