Ang halimbawa ng rasismo na naglalarawan ng kulay ay ang pang-aalipin ng mga puti sa mga itim na tao sa kanlurang bahagi ng mundo dahil sa kanilang kulay at maging mga anak nila ay kailangan ding maging alipin. Sa pamumuhay naman ay ang mapait na katotohanang sa ibang bansa ay nilalagyan ng pangalan ang mga Pilipino bilang mga katulong. Kapag sinasabing Pinoy, ay agad itong naikakabit ang pangalang katulong. Habang sa relihiyon naman ay mapait ding iisipin na kapag Muslim ka at nasa lugar ka ng mga Kristiyano ay hindi ka bibigyan ng magandang pakikitungo. Halimbawa, sasabihin ng iba na "huwag kang magtiwala sa Muslim na yan, baka patayin ka niyan". Samantalang sa lahi, kapag sinasabing mga Pilipina lalo na kapag sa internet at laging naiuugnay sa mga babaeng nagbibigay-aliw o manggangantso ng mga matatandang dayuhan.