IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Mga Katangian ng Kwentong Bayan:
- Patuloy na lumalaganap at nagpapasalin - salin sa iba't ibang henerasyon.
- Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
- Naglalahad ng mga mahiwagang bagay o pangyayari.
- Naglalaman ng mga gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nagaganap sa paligid.
Depinisyon:
Ang mga kwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang - isip na mga tauhan na sumisimbolo sa mga uri ng mamamayan tulad ng matandang hari, isang lalaking pantas, o kaya ay isang inosenteng babae.
Upang maunawaan kung ano ang kwentong bayan, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1478326
Mga Uri ng Kwentong Bayan:
- alamat
- mito
- pabula
- parabula
Ang alamat ay tumutukoy sa mga kwentong nagsasaad ng pinagmulan o pinanggalingan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
- Alamat ng Pinya
- Alamat ng Tao
Ang mito ay tumutukoy sa mga kwentong tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa.
Halimbawa:
- Si Sirena at si Santiago
- Biag ni Lam - ang
Ang pabula ay tumutukoy sa mga kwentong tumatalakay sa mga hayop na nagsasalita na karaniwang inihahalintulad sa tao sanhi ng kanilang mga katangian at pag - uugaling taglay.
Halimbawa:
- Si Langgam at si Tipaklong
- Si Kuneho at si Pagong
Ang parabula ay tumutukoy sa mga kwentong matatagpuan sa Bibliya na may dalang aral.
Halimbawa:
- Parabula ng Sampung Birhen
- Parabula ng Alibughang Anak
Upang lubos na maunawaan ang mga uri at halimbawa ng kwentong bayan, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/109912
https://brainly.ph/question/1498847
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.