Ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na
nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa
silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at
sa timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhang
bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria,
at Turkey. Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris
at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa
Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent
kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia. Mayaman sa panitikan ang
Mesopotamia. Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang
angking kultura. Makikilala sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito ang kanilang
mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali, at iba pa na
mapagkikilanlan ng kanilang lahi.
Ang epiko ni
Gilgamesh ay isa sa mga panitikang Mediterranean at isang akda na nagpapakita
sa kultura ng taga-Mesopotamia. Ang
pangunahing tauhan dito ay abusado sa kanyang taglay na supernatural na
kapangyarihan dahilan ng pagparusa sa kanila ng kanyang kaibigang may katumas
sa kanya ang katangian.