Sa Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.) sa panahon ng pamumuno ni Khufu o Cheops (2650), itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao.
Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na
hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 B.C. Ito ay binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24
simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo,
mayroon pang 80 simbolo na may tig-dalawang katinig.
Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig;
nagpatayo siya ng mga templo at nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysa
pananakop ng lupain.