Ang kabihasnang Egyptian ay nahahati sa iba't ibang panahon. Ang pagtatapos naman ng kabihasnan ay nagsimula noong mapasakamay ang Egypt sa ilalim ng pamamahala ng Persia nang mamatay si Amasis II noong 526 B.C. Nagkaroon ng isang pinunong Persian ang Egypt na tinawag nitong ika-27 dinastiya at ang huling dinastiya na pinamunuan din ng isang Persia ang ika-31 dinastiya sa Egypt. Sinakop ni Alexander the Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Ang sinaunang kabihasnan ng Egypt ay unti-unting nahaluan ng mga kabihasnan ng iba't ibang mananakop hanggang sa unti-unti itong naglaho.