IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Ang
kabihasnang Ehipto at Mesopotamia ay kapwa may malalaking ambag sa kasaysayan
ng mundo. Ang dalawang kabihasnang ito ay isang magandang batayan ng pamamaraan
kung paano umusbong ang pamumuhay ng sinaunang tao.
Maraming magagandang naidulot sa buhay
ng mga taga-Ehipto ang Ilog Nile. . Sinabi ni Herodotus na lahat ng Ehipto ay
handog ng Nile. Walang Ehipto kung walang Nile. Ang Ehipto ay umunlad bilang
isang lupain sa tulong ng Ilog Nile. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa
ang mga taga-Ehipto na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang
mahalagang aspeto ng Ilog Nile.
Ang mga paraon sa iba’t ibang kaharian ng sibilisasyong Ehipsyano
ay maraming naiambag sa makabagong panahon sa larangan ng pulitika, ekonomiya,
arkitektura, at relihiyon. Kabilang na dito ang ang hiroglipiko o paraan ng
pagsusulat, pag-eembalsamo ng mga pumanaw, paniniwala sa kabilang-buhay, at ang
kahanga-hangang piramide. Ang kabihasnan ng Ehipto ay may malaking bahagi ng
kasaysayan ng mundo.
Ang Mesopotamia naman ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnayugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.

Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.