Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Dapat na pag-aralan ang panitikan upang mapa-unlad ang kakayahan at kaalaman sa sariling wika. Kadalasan ng nasasalamin ang ating kultura sa ating mga panitikan. Mga kultura at paniniwala at pagkakakilanlan bilang isang mamamayan. Ang mga panitikan ay kapupulutan rin ng aral. Mga aral sa moral at pagiging mabuting tao na maaaring magamit sa tunay na buhay.
Mga Uri ng Panitikan
Ang mga panitikan ay nakakaenganyong pag-aralan. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng panitikan.
Kwentong bayan- Ang mga kwentong bayan ay mga kathang isip na mga kwento na kapupulutan ng aral
Bugtong- Ang bugtong ay isang palaisipan na maaring sa anyong patanong o kaya naman ay pasaad na pangungusap na may nakatagong pinahuhulaan na isang bagay o tao
- Alamat- ang alamat ay kabilang rin sa mga kwentong bayan na kathang isip na mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang lugar, bagay at iba pa.
- Kasabihan- eto ay ang mga sabi sabi na sa uri ng maiikling pangungusap na may layunin na magprotekta at gumabay. Ngunit karamihan sa mga ito ay nakasanayan nalang gawin at naipamana sa mga linya ng lahi.
- Tula- Isa itong uri ng panitikan at sining na gumagamit ng malaya sa wika. Nagagawa ito sa pamamagitan ng ibat-bang istilo sa pag-gamit ng kaalaman sa wika kung saan nakatutulong upang mai-pahayag ang damdamin.
- Balita- Ang mga balita ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag at nagbibigay ng babala at napapanahong mga impormasyon sa mga tao.
Kahalagahan Ng Pag-aaral Ng Panitikan
Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan:
- Pagiging pamilyar sa sariling wika- Ang mga panitikan ay mayaman sa ibat-ibang pag-gamit ng ating wika, sa pag-aaral nito ay mas napapasulong ang kaalaman natin tungkol sa ating wika.
- Tumutulong upang mas mai-pahayag ang ating sarili- Ang malawak na kabatiran sa ating wika ay isang paraan upang mas maipahayag natin ang ating sarili sa iba ng malinaw. Karagdagan pa nag malawak na kabatiran sa wika ay pangangailangan lalo na sa mga propesyon tulad ng pagbabalita , upang maiwasan ang paghahatid ng nakakalitong mga balita
- Ang Pag-aaral ng panitikan ay kapupulutan ng mga aral sa buhay at maaring pag-aaral narin ito ng kultura ng bansa
- Ang pag-aaral ng panitikan ay makatutulong sa iyong pagiging malikhain
Ang panitikan ay napakahalagang pag-aralan ang panitikan . Tingnan ang iba pang opinyon:
Mga uri ng panitikan at halimbawa ng panitikan?:
https://brainly.ph/question/553777
Panitikan in English:
https://brainly.ph/question/2586383
Panitikan Mediterranean:
https://brainly.ph/question/120723
#BrainlyEveryday
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.