IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ano ang tulang liriko?
Ang tulang liriko ay isang uri ng tula na tinatawag ding tulang damdamin. Ito ang pinakamatandang uri ng tula. Ang tulang liriko ay direktang pagpapahayag ng saloobin, damdamin at persepsyon ng makata. Ito'y puno ng masisidhing damdamin gaya ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, tagumpay at iba pa. Ito rin ay maaaring gamiting titik ng awit.
Mga Uri ng Tulang Liriko
Ang tulang liriko ay may iba't ibang uri. Narito ang anim na uri nito at ang kanilang kahulugan:
- Awit - Ito ay binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong. Ang bawat taludtod naman nito ay may labindalawahing pantig. Ito ay ang karaniwang awitin na ating naritinig. Ang paksa nito ay maaaring pagmamahal, pagmamalasakit at pamimighati.
- Soneto - Ito ay karaniwang may labing-apat na linya. Ito ay tungkol sa damdamin, kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
- Oda - Ito ang tulang liriko na nakasulat bilang papuri. Ito ay alay ng makata sa isang tao o bagay na napukaw ang kanyang interes. Ang tao o bagay na iyon ang kanyang inspirasyon sa pagsulat.
- Elehiya - Ito naman ay may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.
- Dalit - Ito ang tulang panrelihiyon. Ang partikular na layunin nito ay papuri, pagsamba o panalangin. Ito ay karaniwang alay sa Diyos o isang kilalang pigura. Ito rin ay may halong pilosopiya sa buhay.
- Pastoral - Ito naman ay naglalarawan sa tunay na buhay sa bukid.
Halimbawa ng Pastoral:
https://brainly.ph/question/402951
Sangkap at Elemento ng Tula:
https://brainly.ph/question/553223
#LearnWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.