IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Paano Makaka-apekto ang Anti-Smoking Ban sa Demand ng Sigarilyo
Ang pagpapatupad ng Anti-Smoking Ban ay isa sa mga dahilan ng pagbaba ng demand sa sigarilyo. Dahil may batas na nagbabawal ng paninigarilyo lalo na sa mga mataong lugar o pampublikong lugar, ang malaking epekto ng Anti-smoking Ban sa pagbabawas ng demand sa sigarilyo ay:
- Pagbaba ng bilang ng mga mamimili o konsyumer / suki / customer ng sigarilyo
Mababawasan ang demand sa sigarilyo dahil ang mga konsyumer ay mapipilitang hindi na bumili ng sigarilyo kapag may multa o parusa ang lalabag sa anti-smoking ban. May mga siguradong bibili pa rin ng sigarilyo ngunit hindi na ito kasingdami noong wala pang anti-smoking ban.
Sa ganitong sitwasyon, ang prodyuser ng sigarilyo ay maaaring tumigil sa pagbibigay ng supply o tataasan ang presyo upang hindi ma bankrupt o tuluyang malugi.
Ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo ay isa ring dahilan sa pagbabawas ng demand sa sigarilyo.
Para sa iba pang mga karagdagang opinyon at kasugutan tungkol sa epekto ng anti-smoking ban sa pagbaba ng demand sa sigarilyo:
https://brainly.ph/question/243178
https://brainly.ph/question/2341305
#BetterWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!