IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Magbigay ng 5 pananagutan ng mga mamimili.

Sagot :

Ang mamimili o konsyumer ito ay ang mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang ang kanilang mga pangangailangan ay matugunan gayon din upang sila ay magkaroon ng kasiyahan.

Ang Limang pananagutan ng mga mamimili

  1. Mapanuring kamalayan
  2. Aksyon
  3. Pagmamalasakit sa Lipunan
  4. Kamalayan sa Kalikasan
  5. Pagkakaisa

  • Mapanuring kamalayan

ito ay tumutukoy sa pagiging alisto at mapanuri sa mga gamit, kalidad at magin sa halaga ng mga paninda at serbisyo.

  • Aksyon

Ito ay tumutukoy sa mga kilos at pahayag upang magkaroon ng tiyak at makatarungang pakikitungo

  • Pagmamalasakit sa Lipunan

ito ay tumutukoy sa mga epekto ng ating pagkonsumo sa iba pang pamayanan.

  • Kamalayan sa kalikasan

ito ay tumutukoy sa ating kamalayan upang ating mabatid ang mga epekto sa kapaligiran ng maling pagkonsumo ng mga kalakal o paglilingkod.

  • Pagkakaisa

ito ay tumutukoy sa ating pakikiisa sa mga samahan ng mga mamimili upang magkaroon ng sapat na lakas at kapangyarihan na itaguyod ang mga karapatan ng mga mamimili.

Dapat nating tandaan na ang mga mamimili ay may mga karapatan na dapat malaman at ipagtanggol. dapat din na sundin at maunawaan ng mga mamimili ang mga batas. Ang bawat isang mamimili ay mga tungkulin na dapat gampanan.

Para sa karagdagang kaalaman ang mga mamimili ay mayroong mga karapatan

  • ang mamimili ay mayroong karapatan na magkaroon ng mga pangunahing mga pangangailangan.
  • ang mga mamimili ay mayroong karapatan na magtamo ng kaligtasan
  • ang mga mamimili ay may karapatan sa mga patalastas
  • ang mga mamimili ay may karapatan sa pagpili
  • ang mga mamimili ay may karapatan na sila ay dinggin
  • ang mga mamimili ay mayroong karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang mga kapinsalaan
  • ang mga mamimili ay may karapatang maturuan tungkol sa pagiging isang matalinong mamimili
  • ang mga mamimili ay mayroong karapatan na isang malinis na kapaligiran

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Ano ang 8 karapatan ng mamimili and 5 pananagutan ng mga mamimili? https://brainly.ph/question/802983

Katangian ng matalinong mamimili https://brainly.ph/question/411352

Paanu ba imaging responsableng mamimili https://brainly.ph/question/411352

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.