Ang akdang " Ang tinig ng ligaw na
gansa” ay isang tulang pastoral na nasulat noong panahon ng Bagong Kaharian
(1570-1085 B.C.) ng Sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng pagapapalawak ng Empire
ng Egypt at panahon ng napakasopistikadong pag-usbong ng kultura nito. Makikita
sa tulang ito ang pagnanais nila ng
simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon. Malinaw
ding naipahayag sa tulang ito na ang mga taga –Ehipto ay may
pagpapahalaga sa buhay ng tao.