Ang dulang panlangsangan ay
isang uri ng dula na ginaganap sa lansangan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
mga sumusunod:
1.Panunuluyan
Ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan
ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo
2. Salubong
Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa
madaling-araw ng Linggo ng Pagkabuhay.
3. Tibag
Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na
pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ginaganap
tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal.
4. Senakulo
Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.