Ang kahulugan ng alindog ay kagandahan o kariktan maging ng isang bagay o isang tao. Ang lumbay ay nangangahulugang lungkot o pait. Ang ibig sabihin naman ng kahabag-habag ay kaawa-awa na maaaring nais tumukoy sa sitwasyon o sa isang tao. Ang balintataw kapag ginamit sa pangungusap ay tumutukoy sa "aking paningin" o sa aking naaalala. Ang manghuhuthot ay ang panghihingi ng kung anu-anong materyal na bagay mula sa isang taong hindi naman talaga mahal. Ang nagugulumihan ay nangangahulugang naguguluhan o nalilito.